Tuesday, August 17, 2010

Alejandro: Ang Hubad na Katotohanan

Ang awiting Alejandro ni Lady Gaga ay pangatlong single mula sa kanyang second album na "The Fame Monster" na binubuo  ng mid-tempo Europop song na may uplifting melody kaya nakakawiling pakinggan. Ang kantang ito ay alam nang may anti-Christ nature dahil sa si lady Gaga ay kilalang walang pinaniniwalaang Panginoon.Ngunit marami pa ring tao ang nag-iisip: ano ba talaga ang nais ipahiwatig ng music video na ito?



Nang una nyong mapakinggan ang  kantang  Alejandro ni Lady Gaga, mayroon bang nakapag-bigay ng interpretasyong rinerape ni Lady Gaga ang mga bading na NAZI soldier? Kung meron hindi naman dapat laging maging literal, dahil sa kaso ni Lady Gaga sa pinakabagong Single nyang ito ay siguradong hindi dapat maging literal ang pagpapakahulugan. At kapareho ng Bad Romance at Telephone, nagbigay pa  ng mas malalim na interpretasyon ang video para sa kantang Alejandro na mas magbibigay pa ng malalim na pagpapakahulugan kung bibigyan pa natin ng interpretasyon ang mga salita sa bawat linya ng kanta.

Ang setting ng video ay ala militar at malamig ang panahon. Sa videong ito, mayroong ilang mga hindi nagtutugmang konsepto at nagkahalo-halo gaya ng: kabutihan laban sa kasamaan, babae vs. lalake, pananakop vs. pagpapasakop. At ang pagdadagdag ng relehiyosong konsepto ay nagbigay sa videong ito ng "gulat factor" na kinailangan upang mapagusapan ng tao.

Ang video para sa Alejandro ay sumisimbolo sa maraming bagay at nag-iwan ng napakaraming interpretasyon. Halimbawa, ang hindi pagsangayon ng simbahang Katoliko sa mga bading. Kahit papaano ay tumugma naman ito ngunit marami itong nabalewalang mas importanteng aspeto. Pero marami ding observer ang nagsasabingang ang mga relihiyosong paglalarawan ay tribute para kay Madonna.

Subukan nating bigyang kahulugan ang mga simbolo na ginamit sa video at bigyang interpretasyon batay sa konteksto sa panahon natin ngayon. Panoorin ang video:
    
                  (Babala: Hindi naaangkop panoorin ng kabatan, patnubay ng magulang ay kailangan.)





Magandang pakinggan hindi ba? Pero kapansin-pansin ang mga malalaswang parte kaya hindi naaangkop panoorin ng mga kabataan at konserbatibo.

Ang pinakanangingibabaw na tema ng kanta ay "rejection". Sa simula pa lamang ng kanta ay mapapansin agad ang konseptong ito.

“I know that we are young.
And I know you may love me.
But I just can’t be with you like this anymore,
Alejandro.”



Nagsimula ang video sa isang libing. Si Gaga ay nakasuot ng itim at  hawak ang isang "Sacred Heart", ang nagdurugong puso ng Panginoon para sa Sangkatauhan. May isang bagay na tila patay na nasa loob ni Lady Gaga, at ito ay ang pagmamahal nya kay Alejandro.



Pero sino ba si Alejandro? Isang lalaki na hindi nya pwedeng makasama kailanman? Isang lalaki na niloloko nya kasama si Roberto at Fernando? Napakaraming posibilidad ang hindi malinaw. Pero kahit na ganoon pa man, maraming mga paglalarawan ang nagpapakita na may mas malalim pang katauhan ang natatago kay Alejandro.

 Sa sumunod na scene, ipinakita si Lady Gaga na nakihiga habang nakagayak pang madre at may hawak na rosaryo.



Habang nakatingin sa langit, sinabi nyang: "Stop, please, just let me go." At nang sambitin nya ang pangalang "Alejandro", itinaas nya ang kanyang mga kamay sa kalangitan. Kaya base sa konteksto ng scene ay ang Alejandro ay tumutukoy sa Diyos.


Dumako tayo sa iba pang linya sa bawat kanta:

Lyrics | Lady GaGa lyrics - Alejandro lyrics




Matapos mong basahin ang lyrics mukhang wala namang kakaiba. Pero subukan nating bigyang pagpapakahulugan ang bawat pangalan na kasali sa kanta:

*Alejandro- Man's defender or protector (GOD)
*Fernando - ardent for peace (Jesus)
*Roberto - Bright or shining fame (Holy Spirit)
*Babe - the same as "CHILD"

Ang mga kahulugan ng pangalang iyan ay pagpapakahulugan mula sa internet at ilang mga eksperto. Matapos bigyang kahulugan ating ipalit sa mga pangalan sa kanta:


I know that we are young.
And I know you may love me.
But I just can't be with you like this anymore.
God.

She's got both hands
in her pocket.
And she won't look at you,
Won't look at you

She hides true love
En su bolsillo.
She's got a halo 'round her finger.
Around you.

You know that I love you boy.
Hot like Mexico, rejoice.
At this point I gotta choose,
nothing to loose.

Don't call my name.
Don't call my name, God.
I'm not your child.
I'm not your Child, Jesus.

Don't wanna kiss, don't wanna touch.
Just smoke one cigarette and hush.
Don't call my name.
Don't call my name, Holy Spirit.

Alejandro.
Alejandro.
Ale-ale-jandro.
Ale-ale-jandro. [2x]

(Just stop. Please. Just let me go. God. Just let me go.)


Anong masasabi mo ngayon? Nakakagulat hindi ba dahil ang bawat linya ay nangangahulugang paglayo sa Panginoon. At sa bawat pagkanta mo rito ay ilinalayo mo ang iyong sarili sa Diyos. Ano? Kakantahin mo pa ba ang Alejandro ni Lady Gaga? Nasasayo ang desisyon.

Bumalik muli tayo sa video.


May mapapansin ka ring scene na isinusubo ni Gaga ang Rosaryo, pero bakit nya kaya ginawa iyon? Ipinakita nito na si Gaga ay gustong makuha ang divinity sa kanyang sariling pamamaraan na sumisimbolo sa Luciferianism na kung saan ay ito ay ang kagustuhang makuha ang "divinity" sa sariling pamamaraan.

Pero ayon sa kanyang mga interview ginawa niya ito to take in the holy. Sa aking pananaw adik ka ba para gawing pantawid gutom ang rosaryo, maaari ka namang mapalapit sa Panginoon sa pamamagitan ng pananalangin.


Sa kabuuan din ng video ay napakaraming baliktad na krus ang makikita sa kasuotan ni lady Gaga. Na napaka importante para sa Symbolic Language. Sa Kristiyanismo, kilala ang baligtad na krus bilang "cross of St. Peter".

Pero sa non-christian circles, ang pagkakabaligtad ng krus ay sumisimbolo sa pagkakabaligtad din ng ibig sabihin nito. Kaya para sa ganitong kadahilanan ay makikita ang mga ganitong simbolo sa mga black magic at satanismo.

 

Kagulat-gulat hindi ba?

No comments:

Post a Comment