Tuesday, August 17, 2010

Alejandro: Ang Hubad na Katotohanan

Ang awiting Alejandro ni Lady Gaga ay pangatlong single mula sa kanyang second album na "The Fame Monster" na binubuo  ng mid-tempo Europop song na may uplifting melody kaya nakakawiling pakinggan. Ang kantang ito ay alam nang may anti-Christ nature dahil sa si lady Gaga ay kilalang walang pinaniniwalaang Panginoon.Ngunit marami pa ring tao ang nag-iisip: ano ba talaga ang nais ipahiwatig ng music video na ito?



Nang una nyong mapakinggan ang  kantang  Alejandro ni Lady Gaga, mayroon bang nakapag-bigay ng interpretasyong rinerape ni Lady Gaga ang mga bading na NAZI soldier? Kung meron hindi naman dapat laging maging literal, dahil sa kaso ni Lady Gaga sa pinakabagong Single nyang ito ay siguradong hindi dapat maging literal ang pagpapakahulugan. At kapareho ng Bad Romance at Telephone, nagbigay pa  ng mas malalim na interpretasyon ang video para sa kantang Alejandro na mas magbibigay pa ng malalim na pagpapakahulugan kung bibigyan pa natin ng interpretasyon ang mga salita sa bawat linya ng kanta.

Ang setting ng video ay ala militar at malamig ang panahon. Sa videong ito, mayroong ilang mga hindi nagtutugmang konsepto at nagkahalo-halo gaya ng: kabutihan laban sa kasamaan, babae vs. lalake, pananakop vs. pagpapasakop. At ang pagdadagdag ng relehiyosong konsepto ay nagbigay sa videong ito ng "gulat factor" na kinailangan upang mapagusapan ng tao.

Ang video para sa Alejandro ay sumisimbolo sa maraming bagay at nag-iwan ng napakaraming interpretasyon. Halimbawa, ang hindi pagsangayon ng simbahang Katoliko sa mga bading. Kahit papaano ay tumugma naman ito ngunit marami itong nabalewalang mas importanteng aspeto. Pero marami ding observer ang nagsasabingang ang mga relihiyosong paglalarawan ay tribute para kay Madonna.

Subukan nating bigyang kahulugan ang mga simbolo na ginamit sa video at bigyang interpretasyon batay sa konteksto sa panahon natin ngayon. Panoorin ang video:
    
                  (Babala: Hindi naaangkop panoorin ng kabatan, patnubay ng magulang ay kailangan.)





Magandang pakinggan hindi ba? Pero kapansin-pansin ang mga malalaswang parte kaya hindi naaangkop panoorin ng mga kabataan at konserbatibo.

Ang pinakanangingibabaw na tema ng kanta ay "rejection". Sa simula pa lamang ng kanta ay mapapansin agad ang konseptong ito.

“I know that we are young.
And I know you may love me.
But I just can’t be with you like this anymore,
Alejandro.”



Nagsimula ang video sa isang libing. Si Gaga ay nakasuot ng itim at  hawak ang isang "Sacred Heart", ang nagdurugong puso ng Panginoon para sa Sangkatauhan. May isang bagay na tila patay na nasa loob ni Lady Gaga, at ito ay ang pagmamahal nya kay Alejandro.



Pero sino ba si Alejandro? Isang lalaki na hindi nya pwedeng makasama kailanman? Isang lalaki na niloloko nya kasama si Roberto at Fernando? Napakaraming posibilidad ang hindi malinaw. Pero kahit na ganoon pa man, maraming mga paglalarawan ang nagpapakita na may mas malalim pang katauhan ang natatago kay Alejandro.

 Sa sumunod na scene, ipinakita si Lady Gaga na nakihiga habang nakagayak pang madre at may hawak na rosaryo.



Habang nakatingin sa langit, sinabi nyang: "Stop, please, just let me go." At nang sambitin nya ang pangalang "Alejandro", itinaas nya ang kanyang mga kamay sa kalangitan. Kaya base sa konteksto ng scene ay ang Alejandro ay tumutukoy sa Diyos.


Dumako tayo sa iba pang linya sa bawat kanta:

Lyrics | Lady GaGa lyrics - Alejandro lyrics




Matapos mong basahin ang lyrics mukhang wala namang kakaiba. Pero subukan nating bigyang pagpapakahulugan ang bawat pangalan na kasali sa kanta:

*Alejandro- Man's defender or protector (GOD)
*Fernando - ardent for peace (Jesus)
*Roberto - Bright or shining fame (Holy Spirit)
*Babe - the same as "CHILD"

Ang mga kahulugan ng pangalang iyan ay pagpapakahulugan mula sa internet at ilang mga eksperto. Matapos bigyang kahulugan ating ipalit sa mga pangalan sa kanta:


I know that we are young.
And I know you may love me.
But I just can't be with you like this anymore.
God.

She's got both hands
in her pocket.
And she won't look at you,
Won't look at you

She hides true love
En su bolsillo.
She's got a halo 'round her finger.
Around you.

You know that I love you boy.
Hot like Mexico, rejoice.
At this point I gotta choose,
nothing to loose.

Don't call my name.
Don't call my name, God.
I'm not your child.
I'm not your Child, Jesus.

Don't wanna kiss, don't wanna touch.
Just smoke one cigarette and hush.
Don't call my name.
Don't call my name, Holy Spirit.

Alejandro.
Alejandro.
Ale-ale-jandro.
Ale-ale-jandro. [2x]

(Just stop. Please. Just let me go. God. Just let me go.)


Anong masasabi mo ngayon? Nakakagulat hindi ba dahil ang bawat linya ay nangangahulugang paglayo sa Panginoon. At sa bawat pagkanta mo rito ay ilinalayo mo ang iyong sarili sa Diyos. Ano? Kakantahin mo pa ba ang Alejandro ni Lady Gaga? Nasasayo ang desisyon.

Bumalik muli tayo sa video.


May mapapansin ka ring scene na isinusubo ni Gaga ang Rosaryo, pero bakit nya kaya ginawa iyon? Ipinakita nito na si Gaga ay gustong makuha ang divinity sa kanyang sariling pamamaraan na sumisimbolo sa Luciferianism na kung saan ay ito ay ang kagustuhang makuha ang "divinity" sa sariling pamamaraan.

Pero ayon sa kanyang mga interview ginawa niya ito to take in the holy. Sa aking pananaw adik ka ba para gawing pantawid gutom ang rosaryo, maaari ka namang mapalapit sa Panginoon sa pamamagitan ng pananalangin.


Sa kabuuan din ng video ay napakaraming baliktad na krus ang makikita sa kasuotan ni lady Gaga. Na napaka importante para sa Symbolic Language. Sa Kristiyanismo, kilala ang baligtad na krus bilang "cross of St. Peter".

Pero sa non-christian circles, ang pagkakabaligtad ng krus ay sumisimbolo sa pagkakabaligtad din ng ibig sabihin nito. Kaya para sa ganitong kadahilanan ay makikita ang mga ganitong simbolo sa mga black magic at satanismo.

 

Kagulat-gulat hindi ba?

Monday, August 16, 2010

MONSTER-LADY GAGA (CHRIS B. ESPINO)



Tama ba na gumawa ng isang kanta na hindi bagay o hindi maganda sa pandinig para lamang sumikat at kumita ng malaking pera? Sa ngayon napakaraming singer at song writer na gumagawa ng kanta na hindi bagay sa lipunan. Isa sa mga ito ay si Lady Gaga na gumawa ng mga kanta at hinaluan ng mga malalaswa na video na siya mismo ang gumaganap."



"Isa sa kanyang mga kanta ay ang “MONSTER”, ito ay ay masyadong malaswa at ndi bagay sa mga taong hindi pa bukas ang isipan para sa sex. Ang kanta na ito ay parang
isang portal patungo sa mundo ng sex. Lalo na ang video nito na hindi bagay
panuorin ng mga bata at mga teenager na tulad ko. Masyado niyang minumulat ang
mga kabataan sa sex. Ito ang kaunting linya ng kantang MONSTER “I wanna just dance
but he took me home instead uh oh!! There was a monster in my bed we French kissed
on a subway train he tore my clothes right off he ate my heart he ate my brain uh
oh uh oh!! Hindi ba’t sa mga linya pa lang ng kanyang kanta ay masyado ng liberated
lalo pa kaya sa video."

PAG-AANALISA NG VIDEO




Lyrics | Lady GaGa lyrics - Monster lyrics



"Tapos itinuturing pa niya ang kanyang sarili na isa siyang maka-diyos.
Hindi lang ang kantang monster ang may malalaswang video at linya pati na rin
ang kanyang mga kanta na Alejandro, Paparazzi, Love game, Speechless at marami
pang iba. Sana lang sa susunod ay huwag naman malaswa ang kanyang gagawin dahil marami ang nakakapanuod ng mga video niya at ito ay ipinapalabas sa media. Dahil hindi kailangan sa industriya
ng pag kanta ang mga katulad ng ginagawa ni Lady Gaga."

POKER FACE


                             Si Lady Gaga, bilag isang sikat na performer/ singer sa hollywood ay hindi makakailang pianainbak ang karamihan sa atin sa kanta niyang "POKER FACE". Kakatwa dahil sabi nila, hindi lahat ng mga awiting mabilis ang tempo ay masaya ang mensahe ng kanta.




                        Para sa akin ay may ipinakakahulugan siyang iba sa awitin niyang ito. Kung pagbabasehan ang literal na pag iinterpreta sa kanta, masasabing gustong mabingwit ng isang babae ang isang lalake na mahilig mag-gamble sa pamamaraang alam niya. At ito ay hndi lamang sa pamamagitan ng papapasweet kundi sa dahas. Dahil sa mga ugong-ugong sa internet, na pag alaman kong si Lady Gaga ay Atheist o walang pinaniniwalaang Panginoon. Ang iba nga, sabi'y demonyo na ang sinanasamba niya mula noon, nabuo ko sa aking isip na baka ang kantang "POKER FACE" ay pagpapahiwatig din sa kanyang paniniwla,Ang kanyang kanta'y patunay na hindi lahat ng bagay samundo ay totoo.



                              Hindi lahat ng bagay ay nakukuha sa paraang mabuti, na minsa'y kailangan din ng kaunting baluktot ng ideya kung panong iyon ay makakakuha na hindi dapat tayo magtiwala sa iba dahil hindi lahat ay totoo.







                         "AND BABY WHEN ITS LOVE, IF ITS NOT ROUGH .I ISN'T FUN"isa sa mga linya sa kanta na kanta na aking nagustuhan na kumukunektra sa aking mga nailahad.





                              Sa huli, dahil hindi ko namang lubusang kilala si Lady Gaga dahil di naman kame close at malayong mangyari iyon, nasa mga nakikinig parin at humahanga sa kanya ang desisyon kung ano nga ba ang pinahihiwatig ng kantang "POKER FACE". Pero kung ako ang tataningin, wag na nating uriratin pa. Ika nga,  hindi ikayayaman iyon katulad ng pagtuklas sa sikreto ni Mona Lisa. MAKINIG NA LANG AT UMINDAK HANGGANG KAYA!.





LOVE GAME : MAGLARO TAYO!


                   
 "LOVE GAME"

                      Ay kanta ng isang sikat na singer sa buong mundo sa si Lady Gaga.Ito ay galing sa kanyang debut album na "THE FAME".

                      Sa henerasyon ngayon, marami ang mga naglalabasang singer na talagang nakakaagaw pansin sa mga kabataan. Katulad na lang ni Lady Gaga, ana umawit ng "LOVE GAME" . Kung mapapanood mo ang music video at maririnig ang lyrics nito,siguradong mapapaisip ka, kung ano ba talaga ang ibig sabihin ni Lady Gaga sa kantang ito.Ang mensahe ng "LOVE GAME" ay ang pakikipaglaro saisang tao sa pamamagitan ng "LOVE", pero masasabi mo rin na ito ay tumutugon sa "SEX".







                    Tuwing naririnig nila ito, nasisiyahan at napapaindak sila. Para bang drugs na nakaka-adik at nagbibigay ng aliw. 'Yun bang hindi mo maipaliwanag ang kaligayahan mo habang pinapakinggan ito.Dahil dito, napabilang ang "LOVE GAME" sa top list na hit na hit sa mga kabataan sa katunayan, naging  Top 1ito  sa MYX Daily Top 10 sa studio 23. Isa lamang itong pagpapakita ng katotohan na may kakaibang karisma ang mga kanta o awitin  ni Lady Gaga, kaya ito tinatangkilik ng maraming kabataan.


                  

                     Sabihin na natin na maraming kabataan nagugustuhan ang mga kanta niya.Pero kung ako ang tatanungin hindi ko naaapreciate ang mga kanta ni Lady Gaga.Dahil para sa akin.Kalaswaan ang mga meaning ng mga kanta niya.Lalo na ang Love Game.Para bang si LAdy Gaga ay liberated. Kitang- kita sa video at lyrics ng mga kanta niya pati na ang kanyang pananamit.

TELEPHONE: Sagutin Mo!


 TELEPHONE
             ay kanta ng isang American Recording Artist na si LADY GAGA galing sa kanyang pangalawang album na "The Flame Monster" kasama ang American R & B singer na si Beyonce KnowlesAng Kanta ay sinulat ni Gaga at Rodney Jerkins.



 "ANG NATATAGONG KAHULUGAN NG KANTANG TELEPHONE"

                        Noong una kong narinig ang kanta na ito sa radyo, naisip ko na si Lady Gaga ay nakakatanggap ng mga tawag sa mga hndi kilalang tao habang siya ay nasa club. Na iimagine ko din ang hindi niya pagsagot sa mga phone calls habang nasa Dance Floor. Inisip ko na ang kantang ito ay isang ordinaryong kanta lang katulad ng pagiisip ng nakararaming tao.Ngunit sa likod ng magandang kanta na ito ay ang natatagong kahulugan.


                        Ang kantang ito ay may mas malalim na kahulugan, ang pagkontrol sa isip ng tao o MIND CONTROL, na ginagamit upang iprogram ang utak para maging alila at mapasunod sa mga utos nila.Ang kantang ito ay continuation ng kantang PAPARAZZI kung saan si Lady Gaga ay napasailalim sa Mind Control ng patayin niya ang kanyang boyfriend.


"PAG-AANALISA SA VIDEO"

             
                        



 



Lyrics | Lady GaGa lyrics - Telephone lyrics


                        Ang kanta ay nagsimula sa pagpasok sa kulungan ni Lady Gaga dahil sa nagawa niyang krimen sa kantang PAPARAZZI.

            
                       Sa kulungan, siya ay naglalakad - lakad suot ang kanyang salamin na gawa sa upos ng sigarilyo.



                       Si Gaga ay naging busy kasama ang isang wirdong preso, ngunit naabala siya ng isang phone call.siya ay mapapansing may espesyal na pagkatao sa bilangguan marahil sa dahilang siya ay isang alipin sa mga utos.


                       Pagakatapos ay inilabas ni Beyonce si Gaga sa kulungan.Sa loob ng sasakyan mayroong silang naging usapan.Nagkasundo sila na patayin ang boyfriend ni Beyonce.












                        
                                    (Makikita sa picture ang buhok na hugis telepono.)

                       Sa puntong ito si Gaga ay lumabas sa kusina dala ang pagkaing gawa niya na may lason at inihain ito sa costumers.Siya nagpapanggap na walang alam habang kinakain ni Tyrese (Boyfriend ni Beyonce) ang pakain.
                  
                       The Mass murder begins, kinain na nila ang pagkaing may lason at namatay.




                           (Makikita sa picture ang pagiiba ng kamay niya mula sa ok papunta sa baril na nakaturo sa mga costumer na namatay).

                           Ang lahat ng tao sa restaurant na iyon ay nalason at namatay.Habang ang mga ito ay naghihingalo suot ni Beyonce ang Mickey Mouse Sun Glasses katulad ng salamin na suot ni Lady Gaga sa Paparazzi ng pinatay niya ang kanyang boyfriend.


                           
                     Si Beyonce sa nakasuot ng Mickey Mouse Sun Glasses sa Telephone.


                     Si Lady Gaga na nakasuot ng Mickey Mose Sun Glasses sa Paparazzi.
                           
                        Nangangahulugan ito na ang parehong singer ay may suot ng Mickey Mouse Sun Glasses habang nangyayari ang pagpatay, tinitukoy nito ang pag program nila sa paglason.
                        Nakalagay sa mga articles na ang Mickey Mouse Ears ay nangangahulugan ng pagkontrol sa isip ng isang tao.

                        Sa sitwasyong iyon makikita si Lady Gaga at Beyonce na nagsasayaw at kumakanta sa tabi ng mga patay, na nangyari na Mind Control.




                        Si Gaga at Beyonce ay uamalis na sa crime scene. Si Gaga ay pinakita sa harap ng isang Pussy Wagon suot ang leopard-print suit, na tumutukoy sa isang "sex-kitten programming.



                       
                      Tinutukoy nito ang isang "sexual programming". Tinatanggal nito ang lahat ng natutunang magandang asal at pinapagana ang "primitive sexual instinct".


                                
                         Sa huling scene, si Gaga at Beyonce ay naglakad ng masaya. Ang suot na Black Dress ni Beyonce ay sumisimbolo ng walang awang pagpatay.


 "KONKLUSYON" 

              Ang "TELEPHONE" ay isa na namang prdukto ni Lady Gaga kung saan nangangahulugan ito ng pagkontrol ng isip o MIND CONTROL. Ang tingin ni Lady Gaga sa mga kabataan ngayon ay hindi maganda.
              

PAPARAZZI by Valiente

    Paparazzi is one of the latest and hottest music video of  Lady Gaga . Napakinggan mo na ba ito o napanood manlang? kung hindi pa,edi panoorin mo na.

Napanood mo na ba? ganda diba,lalo na sana kung naghubad nalang siya ng as in NAKED! Karamihan sa mga music videos ni Lady Gaga ay puro daring or  should I say LAHAT. Dito sa Paparazzi kung mapapansin mo man 'hindi tugma ang mga pangyayari,hindi mo maintindihan kung ano ang connect ng video sa song/lyrics' kung papansinin mong mabuti. Maraming komentaryo ukol dito ang mga friends at dabarkads ko. Like at the first part of her video si Lady Gaga hindi nahihiyang ipakita ang hinaharap niya sa madlang people! Yung pagpapakita niya ng rare (puwet) niya at pakikipaghalikan sa kapwa babae,kulang nalang ipakita na niya buong katawang lupa niya! Kalurky talaga! Well sa country naman nila there's no bahid of malice, baka nga nagrereklamo pa yung iba nilang kalahi kung bakit hanggang doon lang ang kaya niyang ipakita. ang mga galaw ng katawan niya na parang nakikipag-talik ay napaka layo sa lyrics ng kanta. Parang masasabi mo na 'ang echoz naman ng gumawa ng  kanta niya at ang nag-choreograph ng sayaw at moves nila. Leveling si Gaga huh in to the deepest sea level ang singing sensation niya! OVER!







Konti nalang diba? halos hapit na hapit na ang 'RARE' niya? OVER!



Watta FLIRT is she! Hubad Gaga,hubad!


Lyrics | Lady GaGa lyrics - Paparazzi lyrics




If you were about to read the lyrics of the song Paparazzi there are some errors tulad nalang on the first part "We'd been so fantastico" hindi ba dapat "FANTASTICAL" minsan talaga hindi maiwasan ng mga writters ang typo errors well kung natypo error nga siya. Kahit sa lyrics sobrang dami mo talagang mapapansin na kamalia. "Yellow dance and return" they should say dapat "Yellow and dance return" kasi my yellow dance ba naman? heller naman po sa writter,pasintabi lang po. Then sa may "I'm your biggest fan I'll follow you until you love me papa-paparazzi Baby there's no other superstar you know that I'll be your papa-paparazzi" then take a look into her music video at the part of the song hindi naman tugma yung video. Minsan talaga kapag hindi ka mapanuring tao bali wala lang yan sa iyo. 



Subukan mong i-click ang link na ito:


http://www.hiplyrics.com/lyrics/paparazzi-by-jethro-tull-lyrics.html


Nabasa mo na ba? Marami pang ibang version ang Paparazzi hindi lang 'yan. Maraming taong gumawa and still gumagawa ng mga sarili nilang versions. May iba ginagawa lang ito just for fun while others they're making it for them to be popular. Popular in making song that hindi din naman nalalayo sa paggawa ng original song writter ng original na Paparazzi. Ang mga foreign nga naman, english na nga ang salita nila they don't know pa how to make an english grammar na tama.



Maraming bumubulwak na karunungan at kabulastugan pagdating sa panghuhusga at pagkritisa sa isang tao o indibidwal. Gaya nalang ngayon ni Lady Gaga pero gayunpaman kahit anong batikos natin sa kanya diyan parin siya sumikat at lalong sumisikat. Lady Gaga still be Lady Gaga na gagang gaga.